Featured post

Pangangatuwiran

LIBREA, JOSHUA A. PT1Y2-1 Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay isa pa lamang sa m...

Saturday, 16 February 2019

Pangangatuwiran

LIBREA, JOSHUA A. Related image
PT1Y2-1
Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay isa pa lamang sa mga isyung hindi mabigyan bigyan ng kasagutan ng ating gobyerno. Sa kadahilanang ni-sila ay hindi ma sagot kung ano nga ba naman ang tama? Ang nasa bibliya o ang pagdami ng populasyon sa Pilipinas na nauuwi rin sa kamatayan dahil sa maraming dahilan? Kay raming tanong, kay hirap sagutin. San ka nga ba papanig sa usaping ito?

Sa aking palagay ay ipatupad na ang RH Bill. Hindi dahil hindi ko iginagalang ang bibliya ngunit sa kadahilanang kelangan nalamang natin solusyonan ang problemang ito. Maraming bata ang namamatay araw-araw dahil sa gutom. Kitang kita ng ating mga mata ang mga kawawang batang nagtatrabaho sa murang edad para kumita ng pera. Maliban pa dito ay ang mga batang nakakalat sa lansangan at gumagamit ng rugby, droga o kung ano pa man. Mas maatim pa nga ba nating Makita ng ating mga mata unti-unting pinapatay ng mga batang ito ang kanilang sarili ng dahil sa kahirapan? Ako, hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang hindi nalang sila inilabas ng kanilang mga magulang kung hahayaan lang rin. Ito pagpapakita ng isang responsableng magulang.

Oo nga’t may nagsasabing bakit ka makikipagtalik kung hindi ka handa sa maaring bunga nito? Ang pakikipagtalik ay ginagawa ng dalawang magasawa pero hindi naman lahat ng magasawa ay kayang buhayin ang mga supling nila ng dahil sa kahirapan. Kahrapan ang pangunahing problema sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas, ngunit ito ay hindi parin nasosolusyunan nga kahit sino. Maaaring mayaman ang bansa ngunit may mga tao paring naghihirap. Kaya’t sa aking palagay ay pagtungan nalamang natin ng pansin ang mga sanhi ng paghihirap katulad nalaman ng paglaki ng populasyon. Nariyan na nga ang problema, hindi na dapat pang pagtalunan pa dahil wala rin naman itong patutunguhan at ang kailangan sa problema ay solusyon lamang at wala ng iba.

Related image

Isa pa rito ang kadahilanang, pilit na pinagtatalunan n gating gobyerno ang isyu tungkol sa RH Bill ngunit marami naman ng gumagamit ng mga condom, pills at iba pang ginagamit sa pagtatalik upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngayon pa nga ay nagkalat sa istasyon ng LRT o kung saan-saan pang lugar ang mga poster ng condom, pati sa telebisyong kahit bata ay nanakakanuod ay ipinapalatastas ang condom at higit sa lahat ay marami naring maaring pagbilhan ng mga ito sa convenient store particular sa ditto ang Mini Stop, 7/11, Mercury at marami pang iba. Nasa tao na rin naman iyon kung gugustuhin nilang gumamit ng mga ito o hindi.

Ako ay sang ayon sa RH Bill, ito na lamang ang nakikita kong solusyon sa problema ngating bansa. Hindi sa pinipilit ko ang lahat na gumamit ng contraceptives ngunit sa kadahilanang ako ay pumapanig sa pro RH Bill para sa ikabubuti nating lahat. Ang dapat na pinagiisipan sa isyung ito ay kung isasama ba ang abortion sa pagpasa ng RH Bill at gawa ng batas tungkol dito.

Paglalarawan kay Kim Hyoyeon ng isang sikat na grupo na SNSD o Girls Generation

Paglalarawan kay Kim Hyoyeon ng isang sikat na grupo na SNSD o Girls Generation 




Si Kim Hyoyeon ay isang lead dancer ng grupong ito. Hindi sya pansin ng tao dahil sa kanyang visual. At dahil duon walang  masyadong oportunidad na nabibigay sa kanya. Kahit na ganun ang mga umiidolo sa kanya ay hindi ito pinapansin bagkus sila ay mas sinusuportahan ito sa kanyang aking talento na pagsayaw at pag rarap. At dahil sa suportang binibigay ng mga umiidolo sakanya ay nagkaroon ito ng isang oportunidad nagkaroon sya ng isang variety show sa kanilang bansa na tinangkilik ng lahat. At iyon na ang umpisa ng kanyang paglago. Nabigyan sya ng pagkakataon na magkaroon ng solo debut at ng iyon ay tinangkilik ng lahat ay nagkaroon ulit sya ng panibago. Hindi lamang iyon dahil sya din ay naging isang sikat na DJ sa kanilang bansa at mas lalong nakita kung gaano sya kaganda at kung gaano sya magaling sa mga talentong meron sya. At nakamtan nya iyon dahil sa kanyang pagtyatyaga at sa tulong narin ng mga umiidolo sa kanya. 




Shania Mae J. Bonagua 

KAIBIGAN (Paglalarawan)

Kaibigan




                                                     Mga notang iba’t iba ang tunog
                                 Pagsama-samahin ay makabubuo ng isang magandang tunog
                                                     Tamang pag laro sa mga nota
                                                Makalilikha ng magandang musika
                                             Musikang kasama mo sa lungkot at saya
                                            Bibigyan beat ang bawat Segundo ng buhay



                                                   Musikang pwedeng-pwede  sa lahat
               Musikang pang rakrakan, musikang pangiyakan, at pwede rin musikang pang chill lang
                                                  Mga hindi pangkaraniwang musika,
                                                  Mga musikang hindi lanbg masarp sa tenga
                                                  Musikang may hatid na aral

                                                   Masakit, totoo, malalim na mga lirika
                                          Tagos sa puso’t isipan ang mga aral ng pinagsamahan
                                                   Musikang kahit ipag-palit mo sa iba
                                                   Nandiyan pa rin kapag iyong binalikan
                                                   Dahil sabi nga nila……….

 
                                                              Di na tayo pabata
                                                             Edad mo di nahahalata
                                               Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa

                                                             Pero kahit ganun
                                                  Barkadang matatag hanggang sa ngayon
                                                            Minsan man magkita
                                                            Tiyak may kwela
                                                            Yan ang aking mga tropa.....






- Maydee DP. Andres

Albay kong mahal (paglalarawan)

                  
Albay Kong Mahal
samantha Quitasol


Ako ay lumaki at isinalang sa probinsya ng Albay, hindi na bago sa aming mga Albayano ang Makita araw-araw ang napaka-ganda at halos perpektong Bulkan Mayon, isama narin ang napaka-linis na simoy ng hangin, na 'di makitaan ng bahid ng maduming usok, at ang napaka-gandang tanawing tila kahit saan ka lumingon ay berde ang lahat nang makikita mo, tanawing binabalik-balikan at kailanma'y 'di nakakasawang tignan.

Ang aking tatay ay tiga-syudad, kaya ako ay napadpad sa lugar na saliwat ng aking kinagisnan, napalayo sa Albay kong mahal. 

Aaminin kong, maganda ang mga ilaw na nangga-galing sa mga gusaling nakakalula kung tignan sa sobrang taas, wala nito sa lugar ko, pero wala din pala ito sa lugar ko. 


Ngunit, iba pa din talaga ang Albay. Iba ang mga tao sa Albay. Hindi mo makikitaan ng kalungkutan ang kanilang mga mukha kahit na bubuhay lang sa pag-aani ng palay. Mukhang kontento at mukhang maipag-mamalaki mo kahit kanino. 

Ang mga pagkaing tila lahat nilalagyan ng gata at sili, dahil doon kilala ang lugar ko. Ang mga putaheng, hindi mo makakalimutan at hahanap-hanapin ng panlasa mo sa sobrang "siram" (sarap)!

Ang mga dagat, falls, at ilog, na puno nang pag-aalaga mula sa mga tao, ang isa pa sa aming ipinagmamalaki. 



O' kay sarap mamuhay sa Albay! Kompleto rekado!