Kaibigan
Mga notang iba’t
iba ang tunog
Pagsama-samahin ay
makabubuo ng isang magandang tunog
Tamang pag laro sa
mga nota
Makalilikha ng magandang
musika
Musikang kasama mo
sa lungkot at saya
Bibigyan beat ang
bawat Segundo ng buhay
Musikang pwedeng-pwede sa lahat
Musikang pang
rakrakan, musikang pangiyakan, at pwede rin musikang pang chill lang
Mga hindi
pangkaraniwang musika,
Mga musikang hindi
lanbg masarp sa tenga
Musikang may hatid
na aral
Masakit, totoo,
malalim na mga lirika
Tagos sa puso’t
isipan ang mga aral ng pinagsamahan
Musikang kahit
ipag-palit mo sa iba
Nandiyan pa rin
kapag iyong binalikan
Dahil sabi nga
nila……….
Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa.....
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa.....
- Maydee DP. Andres
No comments:
Post a Comment