Featured post

Pangangatuwiran

LIBREA, JOSHUA A. PT1Y2-1 Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay isa pa lamang sa m...

Saturday, 16 February 2019

Albay kong mahal (paglalarawan)

                  
Albay Kong Mahal
samantha Quitasol


Ako ay lumaki at isinalang sa probinsya ng Albay, hindi na bago sa aming mga Albayano ang Makita araw-araw ang napaka-ganda at halos perpektong Bulkan Mayon, isama narin ang napaka-linis na simoy ng hangin, na 'di makitaan ng bahid ng maduming usok, at ang napaka-gandang tanawing tila kahit saan ka lumingon ay berde ang lahat nang makikita mo, tanawing binabalik-balikan at kailanma'y 'di nakakasawang tignan.

Ang aking tatay ay tiga-syudad, kaya ako ay napadpad sa lugar na saliwat ng aking kinagisnan, napalayo sa Albay kong mahal. 

Aaminin kong, maganda ang mga ilaw na nangga-galing sa mga gusaling nakakalula kung tignan sa sobrang taas, wala nito sa lugar ko, pero wala din pala ito sa lugar ko. 


Ngunit, iba pa din talaga ang Albay. Iba ang mga tao sa Albay. Hindi mo makikitaan ng kalungkutan ang kanilang mga mukha kahit na bubuhay lang sa pag-aani ng palay. Mukhang kontento at mukhang maipag-mamalaki mo kahit kanino. 

Ang mga pagkaing tila lahat nilalagyan ng gata at sili, dahil doon kilala ang lugar ko. Ang mga putaheng, hindi mo makakalimutan at hahanap-hanapin ng panlasa mo sa sobrang "siram" (sarap)!

Ang mga dagat, falls, at ilog, na puno nang pag-aalaga mula sa mga tao, ang isa pa sa aming ipinagmamalaki. 



O' kay sarap mamuhay sa Albay! Kompleto rekado!


No comments:

Post a Comment