Featured post

Pangangatuwiran

LIBREA, JOSHUA A. PT1Y2-1 Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay isa pa lamang sa m...

Saturday, 16 February 2019

Pangangatuwiran

LIBREA, JOSHUA A. Related image
PT1Y2-1
Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay isa pa lamang sa mga isyung hindi mabigyan bigyan ng kasagutan ng ating gobyerno. Sa kadahilanang ni-sila ay hindi ma sagot kung ano nga ba naman ang tama? Ang nasa bibliya o ang pagdami ng populasyon sa Pilipinas na nauuwi rin sa kamatayan dahil sa maraming dahilan? Kay raming tanong, kay hirap sagutin. San ka nga ba papanig sa usaping ito?

Sa aking palagay ay ipatupad na ang RH Bill. Hindi dahil hindi ko iginagalang ang bibliya ngunit sa kadahilanang kelangan nalamang natin solusyonan ang problemang ito. Maraming bata ang namamatay araw-araw dahil sa gutom. Kitang kita ng ating mga mata ang mga kawawang batang nagtatrabaho sa murang edad para kumita ng pera. Maliban pa dito ay ang mga batang nakakalat sa lansangan at gumagamit ng rugby, droga o kung ano pa man. Mas maatim pa nga ba nating Makita ng ating mga mata unti-unting pinapatay ng mga batang ito ang kanilang sarili ng dahil sa kahirapan? Ako, hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang hindi nalang sila inilabas ng kanilang mga magulang kung hahayaan lang rin. Ito pagpapakita ng isang responsableng magulang.

Oo nga’t may nagsasabing bakit ka makikipagtalik kung hindi ka handa sa maaring bunga nito? Ang pakikipagtalik ay ginagawa ng dalawang magasawa pero hindi naman lahat ng magasawa ay kayang buhayin ang mga supling nila ng dahil sa kahirapan. Kahrapan ang pangunahing problema sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas, ngunit ito ay hindi parin nasosolusyunan nga kahit sino. Maaaring mayaman ang bansa ngunit may mga tao paring naghihirap. Kaya’t sa aking palagay ay pagtungan nalamang natin ng pansin ang mga sanhi ng paghihirap katulad nalaman ng paglaki ng populasyon. Nariyan na nga ang problema, hindi na dapat pang pagtalunan pa dahil wala rin naman itong patutunguhan at ang kailangan sa problema ay solusyon lamang at wala ng iba.

Related image

Isa pa rito ang kadahilanang, pilit na pinagtatalunan n gating gobyerno ang isyu tungkol sa RH Bill ngunit marami naman ng gumagamit ng mga condom, pills at iba pang ginagamit sa pagtatalik upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngayon pa nga ay nagkalat sa istasyon ng LRT o kung saan-saan pang lugar ang mga poster ng condom, pati sa telebisyong kahit bata ay nanakakanuod ay ipinapalatastas ang condom at higit sa lahat ay marami naring maaring pagbilhan ng mga ito sa convenient store particular sa ditto ang Mini Stop, 7/11, Mercury at marami pang iba. Nasa tao na rin naman iyon kung gugustuhin nilang gumamit ng mga ito o hindi.

Ako ay sang ayon sa RH Bill, ito na lamang ang nakikita kong solusyon sa problema ngating bansa. Hindi sa pinipilit ko ang lahat na gumamit ng contraceptives ngunit sa kadahilanang ako ay pumapanig sa pro RH Bill para sa ikabubuti nating lahat. Ang dapat na pinagiisipan sa isyung ito ay kung isasama ba ang abortion sa pagpasa ng RH Bill at gawa ng batas tungkol dito.

No comments:

Post a Comment